Home METRO Kelot arestado sa P190K bato

Kelot arestado sa P190K bato

PANGASINAN-Swak sa kulungan ang isang 28-anyos na lalaki matapos maaresto sa isinagawang anti-illegal drugs buy-bust operation ng mga otoridad sa Brgy. Libsong East, Lingayen ng lalawigang ito kahapon, Hulyo 3.

Ang suspek na si alyas ‘Jayson’ ay isang HVI Regional Top Priority Target, walang asawa, tricycle driver, residente ng Lingayen, Pangasinan.

Bandang 4:20 ng hapon ng ikasa ang buy-bust operation ng mga pinagsanib na puwersa mula sa PNP DEG SOU 1 (lead unit), RPDEU 1, PDEA Pangasinan, PIU Pangasinan, PDEU Pangasinan, Lingayen MPS, IMEG Luzon Field Unit at RIU1 matapos silang makipagkoordineyt sa PDEA RO1.

Sa naturang buy-bust operation ay nakakumpiska ang mga otoridad ng anim na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Tinatayang tumitimbang ng 28 gramo ang nakumpiskang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P190,400.

May mga nakuha rin na mga non-drug evidence.

Ginawa doon mismo sa site ang inventory at markings sa mga nakuhang ebidensya na sinaksihan ng mga mandatory witnesses, as mandated by law, at ng suspek. Rolando S. Gamoso