MANILA, Philippines- Nadakip ng National Bureau of Investigation-Central Visayas Regional Office (NBI-CEVRO) ang isang indibidwal sa Cebu dahil sa distribusyon ng exploitation materials ng mga menor-de-edad, ayon sa bureau nitong Huwebes.
Batay sa NBI, naaresto ang mga awtoridad ang nasabing indibidwal sa Lapu-Lapu City noong Nobyembre 27.
Nasamsam din ang tatlong cellphone na naglalaman ng children sexual abuse and exploitation materials (CSAEM) at sex toys.
Samantala, tatlong menor-de-edad naman ang nasagip sa operasyon.
Sinabi ng bureau na nag-ugat ang pag-aresto sa referral ng United States (US) Homeland Security Investigations (HSI) Office sa child exploitation activities ng subject.
Nagsagawa ng operasyon ang NBI matapos nitong makumpirma na sangkot ang indibidwal sa distribusyon ng CSAEM matapos dumalo sa isang Zoom meeting upang saksihan ang interaksyon sa pagitan ng Homeland undercover agent at ng subject. RNT/SA