Home NATIONWIDE Panukalang pagpapaliban sa BARMM polls nakasalalay sa Kamara – Chiz

Panukalang pagpapaliban sa BARMM polls nakasalalay sa Kamara – Chiz

222
0

MANILA, Philippines- Nakasalalay ang panukalang pagpapaliban sa 2025 elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa House of Representatives, ayon kay Senate President Francis Escudero nitong Huwebes.

“This is mostly a local bill kaya nga Committee on Local Government di ba? Local bill naman talaga ito na dapat magmula sa Kamara at matapos muna ng Kamara bago ito matalakay ng Senado,” pahayag ni Escudero sa regular Kapihan sa Senado.

Nang tanungin kung dapat hikayatin ng Malacañang ang Kamara na simulang asikasuhin ang panukala, hindi sumang-ayon si Escudero, at nanindigang hindi ito kailangang gawin ng Palasyo.

“Ayokong sabihin na nakasalalay sa Malacañang dahil may sariling proseso naman ang Kamara. So ulitin ko ha, local bill ito. Kahit matapos sa komite, ire-refer ito lang ito sa Committee on Rules. Hindi ito mare-report out hanggat walang pinapasa ang Kamara na nakarating na sa amin sa plenaryo. Walang rason para madaliin ito ngayon sa komite,” pahayag niya.

Nauna nang inihain ni Escudero ang Senate Bill No. 2862 kung saan itinutulak na ilipat ang  petsa ng unang BARMM elections mula Mayo 12, 2025 sa Mayo 11, 2026 upang matiyak ang patuloy na kapayapaan, development, at pag-unlad sa rehiyon. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here