Home METRO Kelot binaril sa ulo habang natutulog sa bahay sa Cebu

Kelot binaril sa ulo habang natutulog sa bahay sa Cebu

MANILA, Philippines – Patay ang isang lalaki matapos itong barilin sa ulo habang natutulog ng hindi pa nakikilalang mga suspek, sa bahay nito sa Sitio Kahuyan Alaska, Brgy. Mambaling sa Cebu City nitong madaling araw ng Huwebes, Agosto 22.

Ang biktima ay kinilalang si Gilbert Gelbolingo, 34-anyos, residente ng naturang barangay.

Sa panayam, sinabi ng tiyuhin ng biktima na si
Gelbolingo ay dating naaresto dahil sa illegal na droga.

Isinalaysay ng tiyuhin nito na nagising siya alas-2 ng madaling araw para magtungo sa banyo nang makarinig siya ng kalabog ng pinto sa bahay ng pamangkin.

Aniya, nakarinig ito ng dalawang putok ng baril dahilan para dali-dali siyang sumilip sa bintana mula sa labas.

Nakita niya ang isang lalaki sa loob ng bahay ng pamangkin bagama’t hindi niya namukhaan dahil nakapatay ang ilaw.

Ilang minuto pa ay nakita niya na lamang ang pamangkin na nakahandusay at naliligo sa sariling dugo mula sa tama ng bala ng baril sa kanyang noo.

Ayon sa tiyuhin, posibleng bumalik ang biktima sa kanyang mga illegal na aktibidad sa kabila ng paulit-ulit itong babala.

Mayroon din itong mga hindi magagandang ginagawa matapos na maka-graduate bilang isang criminology student.

Ilang taon nang naninirahan si Gelbolingo malapit sa kanyang mga kamag-anak dahil namatay na ang kanyang ama at ang ina naman ay sa iba na nakatira.

Samantala, sinabi pa ng tiyuhin na posibleng illegal na droga ang motibo ng mga suspek sa pagpatay sa biktima.

Nagsasagawa na ng follow-up investigation ang Mambaling police sa pagkakakilanlan ng pumatay kay Gelbolingo at pagkakaaresto nito. RNT/JGC