Home NATIONWIDE Kelot na may warrant sa qualified trafficking arestado sa NAIA

Kelot na may warrant sa qualified trafficking arestado sa NAIA

318
0

MANILA, Philippines – Inaresto ng mga awtoridad ang isang lalaki na nahaharap sa warrant para sa qualified trafficking sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Nag-ugat ang warrant mula sa reklamo ng dalawang babaeng biktima na pinangakuan ng suspek ng trabaho sa India o Spain.

“Nagre-recruit ng mga babae na kababayan natin at hindi lang [basta] babae, kundi yung mga may itsura, magaganda. Hihingi sila ng total P105,000 for placement at para sa airfare. Kapag nakapag-downplayment na itong mga biktima, dadalhin nila sa isang spa sa Pasay para daw sa isang OJT,” pahayag ni PRO-4A Regional Director PBGen. Paul Kenneth Lucas sa panayam ng GMA News.

“Nagulat na lang itong mga complainant natin na marami silang mga kasama doon, na nagmamasahe, eventually nagkakaroon ng extra service,” dagdag pa.

Nagawang makatakas ng dalawang biktima at nagsampa ng reklamo sa tulong ng isang customer.

Nauna nang naaresto ng pulisya ang iba pang kasabwat nito kabilang ang isang babae, dalawang pulis at Indian national.

Ang suspek ay nahaharap sa reklamong qualified trafficking in person. Nauna na rin siyang inireklamo ng illegal recruitment, estafa, at rape. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here