Manila, Philippines – Hindi naging sagabal o hadlang ang mga alegasyon ng korapsyon laban kay Quezon City First District Arjo
Atayde para hindi tugunan ang mga pangangailangan ng mga residente na kabilang sa ilang flood-prone areas sa nasabing lungsod.
Nakakatawa nga ang ugat ng alegasyon–mga flood control project.
Pero heto ang aktor-pulitiko, nakuha pang magsagawa ng relief operations.
Ito’y sa pamamagitan ng pamamahagi ng relief goods as shown in the photos posted on Facebook.
llan sa mga nabibiyayaan ng tulong mula kay Arjo ang mga barangay sa Paltok, Talayan, Sitio San Isidro, Bagong Pag-asa at Project 6.
Buong pusong isinagawa ito ng batang Kongresista sa kabila ng pagkakadawit sa kanya ng mag-asawang Discaya.
Matatandaang inginuso siya ni Pacifico “Curlee” Discaya na nag-abot umano sa ama nitong negosyanteng si Art Atayde ng halagang P60 million.
Mariin namang itinanggi ni Arjo mismo ang walang katotohanang paratang.
Sa kabila nito’y ikinatuwa ng mga residente sa mga nabanggit na areas sa QC ang relief operations ni Arjo, bagama’t may ilan ding negatibo ang reaksyon. Ronnie Carrasco III