Home NATIONWIDE Kelot na nangunguha ng sea cucumber sa Palawan, nilapa ng buwaya

Kelot na nangunguha ng sea cucumber sa Palawan, nilapa ng buwaya

279
0

MANILA, Philippines – Namatay ang isang 26-anyos na lalaki matapos sakmalin sa ulo ng isang buwaya habang nangunguha ng sea cucumber sa Barangay Agutayan, Balabac, Palawan nitong Miyerkoles ng madaling araw, ayon sa ulat.

Kasama niya ang tatlo pang tao nang mangyari ang insidente.

Nakuha ang mga labi ng biktima at agad inilibing ayon sa tradisyon ng Islam.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

Nitong nakaraang linggo, isang 14-talampakang buwaya ang diumano’y umatake sa humigit-kumulang 15 aso sa kalapit na bayan ng Bataraza. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here