Home NATIONWIDE Monterrazas de Cebu kinasuhan ng DENR

Monterrazas de Cebu kinasuhan ng DENR

324
0

MANILA, Philippines – Naghain ng kasong kriminal ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) noong Disyembre 3, 2025 laban sa kompanya sa likod ng Monterrazas de Cebu residential project sa Cebu City.

Ito ay dahil sa paglabag sa Section 77 ng Presidential Decree No. 705 o Revised Forestry Code, kaugnay ng ilegal na pag-angkin ng gamit ng mga forest officer.

Ang parusa ay dalawa hanggang apat na taong pagkakakulong, multa na P1,000 hanggang P10,000, kumpiskasyon ng mga gamit, at awtomatikong pagkansela ng permit.

Noong nakaraan, natukoy ng DENR ang tatlong paglabag ng proyekto, kabilang ang diumano’y pagputol ng higit 700 puno noong 2022, hindi pagkuha ng discharge permit ayon sa Clean Water Act, at paglabag sa 10 sa 33 Environmental Compliance Certificates.

Iginiit ng Monterrazas de Cebu na hindi ito nagputol ng 700 puno at nilinaw na shrubs at secondary undergrowth lamang ang inalis, at ang pagbaha na iniuugnay sa proyekto ay sa ibang lugar. Patuloy ang imbestigasyon. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here