MANILA, Philippines – Winasak ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang umano’y shabu laboratory sa Barangay Macamot, Binangonan, Rizal noong Martes.
Nasamsam sa nasabing operasyon ang malaking bilang ng umano’y ilegal na droga, controlled precursors, at kagamitan sa laboratoryo.







