MANILA, Philippines – Inalis ng National Police Commission (Napolcom) sa serbisyo ang pitong Caloocan police officers na sangkot sa ilegal na pag-aresto at detensyon kay Jayson dela Rosa, na naging viral matapos mamatay ang kanyang anak dahil sa leptospirosis habang naghahanap sa baha sa nawawalang ama.
Kabilang sa mga natanggal sa serbisyo sina Capt. Romel Caburog, Lt. Jeffren Aganos, Master Sgt. Ryan Candelario, Staff Sgt. Stephen Somlani, Staff Sgt. Darwin Indiongco, Cpl. Marvin Resumadero, at Staff Sgt. Rodolfo King Bautista.
Sila ay sinampahan ng kaso sa grave misconduct, grave dishonesty, oppression, incompetence, at conduct unbecoming of a police officer.
Ani Napolcom vice chair Raphael Calinisan, ipinapakita ng desisyon na hindi pinapayagan ang pang-aabuso sa pulisya at pinagtibay ang mandato ng komisyon na panatilihin ang propesyonalismo, integridad, at respeto sa batas. RNT