Home NATIONWIDE West African nat’ls timbog sa “Black Dollar” scam

West African nat’ls timbog sa “Black Dollar” scam

296
0

MANILA, Philippines – Naaresto ang dalawang West African nationals sa Pasay City dahil sa umano’y pagtatangka na linlangin ang isang Koreanong negosyante sa pamamagitan ng “Black Dollar” scam.

Nahuli sila ng NBI sa isang hotel matapos tanggapin ang marked money mula sa undercover agent, at nakuha rin ang mga gamit na ginamit sa modus.

Nagpadala ang biktima ng P10 milyon mula Hulyo para sa sinasabing logistics ng pagdala ng crates ng ginto at pera sa Korea, na ayon sa mga suspek ay matatanggap niya. Isa sa kanila ay nagpakilalang apo ni dating UN Secretary-General Kofi Annan.

Natuklasan ng imbestigador na peke ang lahat ng dokumentong ibinigay at may criminal records na ang mga suspek.

Ayon sa NBI, kasong estafa, illegal use of alias, paggamit ng pekeng dokumento, at money laundering ang isinampa laban sa kanila.

Dinala rin ang mga suspek sa inquest proceedings sa Bureau of Immigration upang hindi makapag-bail at muling manloko. Wala pa silang pahayag. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here