MANILA, Philippines- Patay ang isang 21-anyos na lalaki sa Sagñay, Camarines Sur matapos masapul ng puno ng papaya na bumagsak sa kasagsagan ng pag-ulan.
Batay sa mga pulis, naghuhugas ng mga pinggan ang lalaki sa kanilang kusina sa labas ng bahay nang bumagsak ang puno ng papaya at tamaan ito sa leeg. Tumama umano ang mukha nito sa bato nang matumba.
“Ang pagkabagsak nung [puno] sa may bandang leeg niya. And then after mabagsakan yung leeg niya, tuminama pa daw yung mukha niya duman sa sa may bato,” pahayag ni PMAJ. Michael Albania, Chief of Police ng Sagñay.
Hindi na umabot nang buhay sa infirmary ang lalaki. Batay sa autopsy, nagtamo siya ng mga bali at internal bleeding.
Hinikayat naman ng mga awtoridad ang publiko na maging maingat sa gitna ng masamang lagay ng panahon dulot ng monsoon. RNT/SA