CANDELARIA, Quezon- Isang bagong silang na lalaki ang ang natagpuan sa tabing-ilog sa Sitio Biten, Barangay Kinatihan 1, sa bayang ito nitong Huwebes, Hulyo 25.
Nadiskubre ng barangay tanod na si Ronald Diwa ang sanggol.
Nakakabit pa sa paslit ang umbilical cord at placenta nang matagpuan ito.
Dinala siya ng mga opisyal ng barangay sa municipal health office para sa pagsusuri at dokumentasyon.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga pulis upang matukoy kung sino ang nag-iwan sa bata. RNT/SA