MANILA, Philippines – PINAGBABARIL hanggang sa mamatay ang isang lalaki makaraang pasukin sa loob ng kanyang tahanan sa hindi pa mabatid na dahilan sa Dasmariñas City, Cavite.
Base sa report, nasa kusina ang biktima na si alyas Marlon nang narinig nito na may kumakatok sa pintuan ng kanilang gate sa Excess Lot, Belaro compound, Brgy. Paliparan 3, ng nasabing lungsod.
Napag-alaman na pumasok sa bahay ng biktima ang suspek at dito sinundan ng suspek ang biktima na dumiretso sa banyo.
Sinundan pa rin ito ng suspek hanggang sa pagbabarilin sa katawan na naging sanhi ng kamatayan nito.
Patuloy naman ang ginagawang manhunt operation ng pulisya sa suspek na si alyas Adam, nakasuot ng kulay puti na sweat shirt, cap na may marking na Chicago bulls at itim na short.
Matapos ang pamamaril, tumakas ang suspek sa direksiyon ng Brgy Victoria Reyes ng naturang lugar.
Inaalam naman ang motibo sa pamamaril habang nagsasagawa ng backtracking sa CCTV para sa agarang ikadakip ng suspek. MARGIE BAUTISTA