Home METRO 2,310 durugista timbog sa P77M iligal na droga sa Central Luzon

2,310 durugista timbog sa P77M iligal na droga sa Central Luzon

Bulacan – Arestado ang 2,310 indibiduwal matapos mahulihan ng P77,546,600.31 halaga ng iligal na droga sa 1,494 buy-bust operation ng pulisya sa Central Luzon kabilang ang lalawigang ito.

Sa report kay Regional Police Director PBGEN Jean Fajardo, ikinasa ng mga pulis ang 1,494 operation sa loob lamang ng 81 araw o mula Enero 10 hanggang Marso 31, 2025.

Ayon sa report, mula sa 2,310 naarestong indibiduwal, kabilang dito ang 99 high-value targets na pawang nagtutulak sa ibat-ibang lalawigan sa rehiyon.

Nabatid na nakumpiska sa mga naturang ang 11,110.98 gramo ng shabu, 14,846.91 gramo ng marijuana at 151.59 gramo ng Kush na may kabuuang halagang P77546,600.31.

Sinaluduhan naman ni Fajardo ang dedikasyon ng kapulisan sa rehiyon na patuloy nagbibigay proteksyon sa komunidad kaugnay sa banta ng iligal na droga sa kanyang nasasakuoan.

“Our intensified efforts have yielded these significant results and we remain committed to ensuring a safer, drug-free community for all,” anang heneral

Humihimas na ng rehas ang mga naarestong suspek habang nakakulong sa mga istasyon o yunit na humuli sa kanila. Dick Mirasol III