Home NATIONWIDE 16-anyos hinigop ng dam, dedbol!NATIONWIDETOP STORIES 16-anyos hinigop ng dam, dedbol!April 2, 2025 17:46 FacebookTwitterPinterestWhatsAppTikTok ILOCOS NORTE – Patay ang isang 16-anyos na lalaki matapos malunod sa dam sa bayan ng Bangui ng lalawigang ito kahapon, Abril 1.Ayon sa mga awtoridad, ang biktima ay residente ng naturang bayan.Sa imbestigasyon, matapos magmeryenda ang biktima at ang kanyang mga kasama ay nagpunta sila sa Baruyen Dam sa Brgy. Baruyen para mag-swimming.Tinangka ng biktima na lumangoy patawid-pakabila pero hindi nito nakaya hanggang sa malunod.Isang concerned citizen ang agad na tumawag sa Bangui Municipal Police Station para humingi ng tulong.Mabilis namang rumesponde ang mga personnel ng PNP, BFP at MHO.Agad na isinugod sa Bangui District Hospital ang biktima.Gayunman, ang biktima ay idineklarang dead on arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso