Home NATIONWIDE Obrerong ‘di nakabayad ng utang patay sa kabaro

Obrerong ‘di nakabayad ng utang patay sa kabaro

MANILA, Philippines – Isang construction worker ang namatay makaraang pagsasaksakin ng kanyang kabaro matapos na hindi nakabayad sa kanyang pagkakautang sa Bacoor City, Cavite.

Ayon sa report, kinilala ang biktima na si alyas Adrian.

Hawak ngayon ng Bacoor Component City Police Station ang suspek na si alyas Josh, 32, residente ng Brgy Niog ng nasabing lungsod.

Bandang alas-8:00 kamakalawa ng gabi nang naabutan umano ng mga kasamahan nito ang duguang katawan ng biktima na nakahandusay sa Waling-Waling St., F. & E De Castro Village, napag-alaman na kababalik lamang ng biktima matapos na bumili ng sigarilyo sa labas.

Kaagad namang sumuko ang suspek sa mga rumespondeng barangay tanod kung saan narekober ang patalim na ginamit sa pagpatay.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na sinisingil ng suspek ang biktima sa kanyang pagkakautang subalit wala itong maipambayad kung kaya sinaksak ito ng suspek. MARGIE BAUTISTA