Home NATIONWIDE Seal ng Islamic City ng Marawi itatampok ng NHCP

Seal ng Islamic City ng Marawi itatampok ng NHCP

MANILA, Philippines – Tampok ngayong linggo ng National Historical Commission of the Philippines ang Seal ng Islamic City of Marawi na sumasalamin sa kultura, pananampalatay at kasaysayan ng lungsod.

Ito ay bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr.

Ang sagisag ay nagpapakita ng tradisyunal na simbolo ng Islam — ang bituin at gasuklay — na kumakatawan sa pananampalataya. Nasa gitna rin ang isang Mosque na sumisimbulo sa espirituwal na sentro ng komunidad.

Ito ay pinalilibutan ng anyong lupa at tubig ng Lawa ng Lanao na pangalawang pinakamalaking lawa sa Pilipinas– na sumisimbolo sa buhay at kasaganaan.

Kumakatawan naman sa paraiso ang kulay berdeng pangunahing bahagi ng sagisag, ayon sa Quran (18:31).

Opisyal na naging chartered city ang Marawi noong 1940 at pinangalanang Islamic City of Marawi noong 1956 sa bisa ng Republic Act No. 1552.

Naglalarawan ang sagisag nito ng pagkakaisa, katatagan at pananalig ng mga mamayang Marawi. Jocelyn Tabangcura-Domenden