ISANG guro ang nagtanong sa kanyang mga estudyante sa kanyang klase.
Ang sabi ng titser “kapag may dalawang sampung(10) piso ka, bale bente (20) pesos, at bumili ka ng kendi na limang (5) piso. Magkano ang sukli mo?
Marami sa mga estudyante ang sumagot ng kinse (15) pesos kasi nga bente pesos ang pera at limang pisong binili ang nabawas.
Pero, isang estudaynte ang sumagot na lihis sa iba. Ang sabi nitong mag-aaral “Mam, limang piso po ang sukli.
Syempre, marami ang nagtaka at nagtanong ng bakit?
Kasi limang piso lang ang kendi. Natural isang sampung piso lang ibabayad ko. Bakit ko pa ibabayad yung isang sampung piso? Kaya naman iyong pupil o estudyante ay naging abogado.
Parang ganyan ang debate sa quorum sa Senado.
Pero malinaw sa karaniwang tao ang MAJORITY OF ALL MEMBERS OF THE SENATE, 24 Senators therefore 13 senators are considered the majority.
Sabi naman ng kabila ay 22 na lang ang senators dahil nakakulong si Jinggoy at nawawala si Bato.
Pero sinabi ba ng Saligang Batas na pagnakakulong ay hindi na senador? O kapag nagtatago hindi na senador?
Kapag nakakulong dapat itanong natin kay Sen. De Leila lima at Sen. Antonio Trillanes. Kapag nagtatago dapat ay itanong natin kay Senator Ping. Lacson.
Sa ordinaryong tao simple ang math. Pero kapag pulitika na at kapangyarihan ang pinag-uusapan humihirap na ang kwentahan. Syempre ang gusto ng nasa kabila ay sila ang maging makapangyarihan.
Siguro mas madali pa pagdesisyunan yung pera sa maleta dahil doon wala ng bilangan kundi taryahan na lang.






