MANILA, Philippines – PATULOY na tumaas ang factory gate nitong Pebrero, ang itinuturong dahilan ay ang pagtaas ng presyo ng pagbebenta ng coke at refined petroleum products manufacturers.
Makikita sa ipinalabas na data ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang Producer Price Index (PPI) para sa manufacturing sector ay nakapagtala ng bahagyang mas mabilis sa taunang pagtaas na 0.8% noong buwan ng Pebrero, tumaas mula sa 0.7-percent year-on-year na naitala noong Enero. Naging katamtaman naman ang factory activity ng Pilipinas nito lamang February 2025.
Tanda ito ng pagsaliwa mula February 2024, nang makitaan ang PPI ng annual decline na 1.4%.
Ang PPI ay “measure of the average change over time in the selling prices received by domestic producers for their output, serving as an important indicator of inflationary trends at the wholesale level.”
“Among the 22 industry divisions for manufacturing, manufacture of coke and refined petroleum products has the fourth-highest weight in the computation of PPI,” ang sinabi ng PSA.
Ang bahagyang pagtaas sa presyo ay naitala sa kabila ng indikasyon na ang manufacturing output sa bansa ay naging katamtaman noong Pebrero.
Nakitaan naman ang paggawa ng transport equipment ng mas mabagal na pagbaba sa 0.01% noong Pebrero kumapara sa 0.7-% annual decrease noong Enero.
“Similarly, the manufacture of other non-metallic mineral products experienced a 1.7-percent decline in February, an improvement from the 3.4 percent annual decrease in the previous month,” ayon sa ulat.
Samantala, ang pinakabagong pigura ng PPI sa bansa ay nagpapahiwatig ng katamtaman subalit nagpapatuloy na pagbawi sa manufacturing sector, ang dahilan ay ang petroleum at transport equipment industries. Kris Jose