Home METRO Kelot niratrat, todas!

Kelot niratrat, todas!

ILOCOS SUR- Tigok ang isang 55-anyos na lalaki matapos pagbabarilin sa Brgy. Pong-ol, Vigan City ng lalawigang ito kaninang 5:55 ng umaga.

Kinilala ng Vigan City Police Station ang biktima na si Crecencio Recaido Tacadena, may asawa, construction worker, residente ng naturang lugar.

Kagagaling umano ng biktima sa Baluarte dahil sinundo nito ang kanyang live-in partner.

Pag-uwi nito, habang binubuksan niya ang gate ng kanilang bahay ay isang hindi nakilalang indibiduwal na nakasakay ng motorsiklo ang biglang tumigil malapit sa biktima at saka ito pinagbabaril.

Pagkatapos nito ay mabilis na tumakas ang suspek.

Ang biktima ay idineklarang dead-on-spot ni Dr. Leilanie Dela Cuadra ng City Health Office ng Vigan City, Ilocos Sur.

Patuloy ang isinagasagawang imbestigasyon ng mgo otoridad para alamin kung ano ang motibo sa krimen at tuklasin kung sino ang salarin. Rolando S. Gamoso

Previous articlePagkamatay ng 2 Pinoy sa Houthi missile attack, kinondena ni Zubiri: ‘Act of terrorism’
Next article2.15M Pinoy walang trabaho nitong Enero