Home NATIONWIDE Pagkamatay ng 2 Pinoy sa Houthi missile attack, kinondena ni Zubiri: ‘Act...

Pagkamatay ng 2 Pinoy sa Houthi missile attack, kinondena ni Zubiri: ‘Act of terrorism’

Matinding kinondena ni Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri ang pag-atake ng Houthi rebel sa barkong naglalayag sa Red Sea at Gulf of Eden na ikinamatay ng dalawang Filipino crewmen at nasugatan ang iba pa.

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na dalawang Filipinos ang kasama sa tatlong namayat sa atake nang atakehin ng missile ang Greek-flagged vessel True Confidence na ikinasunog ng barko.

Kinumpirma din ng ahensiya na may dalawa pang Filipino crew ang nasugatan sa atake. Napuwersang ibandona ng 13 pang Filipino ang barko sanhi ng pag-atake.

“This is an act of terrorism, plain and simple—waging violence and death on civilians who are simply trying to make a living out on the seas. There is no way to justify this brutality,” ayon kay Zubiri sa statement.

Nakiramay din ang lider ng Senado sa pamilya ng biktima at nananawagan din ng kataarungan para sa kanilang mahal sa buhay.

“I also call on the Department of Migrant Workers to seek the return of the victims to their families, and to extend the necessary assistance to the injured crewmen,” aniya.

Inatasan ng Palasyo ang DMW na magbigay ng lahat ng kinauukulang suporta sa Filipino seamen na namatay sa insidente kabilang ang nasugatan na resulta ng pag-atake.

Nakipag-ugnayan narin ang ahensiya sa manning agegncy nng barko at may-ari nito upang malaman ang kondisyon ng natitirang crew partikular ang mga Filipino. Ernie Reyes

Previous articleListahan ng NFA warehouses na sangkot sa anomalya sinubpoena ng Ombudsman
Next articleKelot niratrat, todas!