Home METRO Kelot patay sa internet connection

Kelot patay sa internet connection

145
0

ILOCOS SUR- Hindi inakala ng isang lalaki na magtatapos ang buhay nito dahil lamang sa internet connection sa kanilang bahay makaraang makuryente, iniulat kahapon sa bayan ng Sigay.

Kinilala ang biktimang si Conrad S. Ubuan, 38, at residente ng Barangay San Elias, Sigay, Ilocos Sur.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, bumuhos ang ulan sa nasabing lugar noong Linggo, Mayo 25, 2025 na nagresulta sa pagkawala ng internet connection ng biktima.

Pagkatapos ng ulan, lumabas ng bahay ang biktima upang i-check ang internet connection at naka-paa lamang ito habang hinahawakan ang mga kable.

Posible umanong nahawakan ng biktima ang livewire ng kuryente dahilan para magkikisay ito na agad namang dinala ng mga kaanak sa ospital subalit idineklara itong dead on arrival. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here