Home METRO Kelot patay sa pamamaril ng kapitbahay na ‘NBI employee’

Kelot patay sa pamamaril ng kapitbahay na ‘NBI employee’

MANILA, Philippines- Patay sa pamamaril ng isang lalaki ang kanyang kapitbahay, na ayon sa una ay nambu-bully sa kanya.

Ayon sa ulat, makikita sa CCTV footage sa Tondo, Manila na nagtatalo ang dalawa at bumunot ng baril ang suspek.

Nag-agawan sila sa baril subalit nabaril ng suspek ang kanyang kapitbahay, na dead on arrival sa ospital.

Sinabi ng Manila Police District na isang empleyado ng NBI ang suspek at ang ginamit na baril ay kanyang service firearm.

Inihayag ng suspek na matagal na siyang binu-bully ng biktima.

Sa kasalukuyan ay wala pang pahayag ang NBI ukol dito. Jocelyn Tabangcura-Domenden