Home METRO Kelot tigok sa tandem; 12-anyos hagip ng pamamaril sa Tondo

Kelot tigok sa tandem; 12-anyos hagip ng pamamaril sa Tondo

MANILA, Philippines – Patay matapos na ratratin ng riding-in-tandem ang isang lalaki sa Tondo, Maynila habang dalawang residente ang nadamay, kabilang ang isang 12-anyos na bata.

 Base sa imbestigasyon, nangyari ang insidente sa Hermosa Street sa Barangay 200 dakong 6 p.m. nitong Lunes.

Nadala pa sa ospital ang biktima pero idineklara siyang dead on arrival.

Hindi naman namukhaan ang riding-in-tandem na suspek dahil parehong naka-helmet ang mga ito.

Narekober sa crime scene ang limang basyo ng bala ng baril.

Samantala, ligtas na ang kalagayan ng dalawang biktimang tinamaan din sa pamamaril kung saan kabilang dito ang isang menor de edad na naglalaro lang nang manyari ang pamamaril.

Patuloy ang paggulong ng imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente. RNT