Home METRO Kelot tiklo sa P1.49M tobats, baril sa Iloilo City

Kelot tiklo sa P1.49M tobats, baril sa Iloilo City

52
0

ILOILO, Philippines – Arestado ang isang 46-anyos na lalaki sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Bakhaw, Mandurriao, Iloilo City noong Lunes ng gabi, kung saan nasamsam ang tinatayang ₱1.49 milyon na halaga ng hinihinalang shabu at isang baril.

Ayon sa pulisya, isinagawa ang operasyon bandang 6:20 p.m. sa pangunguna ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) at may suporta mula sa Iloilo Maritime Police Station, SWAT team ng Iloilo City Police Office (ICPO), at Station Drug Enforcement Team ng Police Station 10.

Kinilala ang suspek sa alyas na “JR,” residente ng nasabing barangay.

Nasamsam sa operasyon ang 15 heat-sealed plastic sachets at dalawang knot-tied plastic bags na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang bigat na humigit-kumulang 220 gramo at tinatayang street value na ₱1,496,000.

Nakuha rin ang isang .38-caliber revolver na may lamang apat na bala, buy-bust money, at iba pang non-drug items.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Iloilo City Police Station 10 at haharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Ayon kay ICPO Director Police Col. Wilbert Parilla, patuloy ang kanilang kampanya kontra ilegal na droga at mga loose firearms, at mahalaga ang kooperasyon ng komunidad sa mga operasyon.

Dagdag pa ng pulisya, mula Mayo 1 hanggang 15, 2026, nakapagsagawa ang ICPO ng 28 anti-drug operations kung saan 35 ang naaresto at humigit-kumulang 794 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng halos ₱5.4 milyon ang nasamsam. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here