MANILA, Philippines – Nanindigan ang National Bureau of Investigation (NBI) na “always listens” sila sa Supreme Court (SC) ngunit iginiit na nananatiling balido ang arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) laban kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.
Si Dela Rosa ay wanted ng ICC bilang “co-perpetrator” sa war on drugs ng dating Pangulong Rodrigo Duterte, na nagresulta sa libo-libong pagkamatay.
Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, iginagalang ng ahensya ang SC habang may nakabinbing kaso, ngunit malinaw umano ang kanilang posisyon sa legalidad ng warrant.
“But, one thing is clear, the warrant is valid,” aniya.
Kinumpirma rin ng ICC ang pagkakaroon ng arrest warrant noong nakaraang linggo.
Ayon sa ulat, sinubukan ng NBI na ipatupad ang warrant ngunit inilagay si Dela Rosa sa “protective custody” ng Senado, kaya umatras ang operasyon.
Pinuna rin ng ilang grupo ang Department of the Interior and Local Government (DILG) dahil hindi ito kumilos agad, habang sinabi ng DILG na naghihintay sila ng desisyon ng SC tungkol sa enforceability ng warrant sa bansa. RNT/MND