Home METRO Kelot tiklo sa P1.7M shabu

Kelot tiklo sa P1.7M shabu

BUTUAN CITY- Tinatayang aabot sa P1.7 milyon halaga ng shabu na nakumpiska ng mga awtoridad sa nadakip na suspek sa isinagawang buy-bust operation nitong Miyerkules sa lungsod na ito.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Marven Namoc-Lumindas, 24-anyos, residente sa Brgy. Triangulo, Nasipit, Agusan del Norte.

Batay sa report ng Butuan City Police, bandang alas-8 ng umaga nang madakip ang suspek sa Purok 1, Kajima, Brgy. Doongan ng naturang lungsod.

Sa isinagawang operasyon nakabili ang operatiba ng 5 gramo ng shabu kapalit ng P15,000.

Agad na pinosasan ang suspek at narekober ng pulisya ang motorsiklo, buy-bust money, drug paraphernalia at 255 gramo ng shabu na aabot sa halagang P1.7 milyon.

Ayon sa pulisya, kilala ang suspek sa pagbebenta ng droga sa lungsod at Agusan del Sur.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa illegal drugs ang suspek. Mary Anne Sapico