MANILA, Philippines- Matinding kinalampag ng ilang senador ang Commission on Higher Education (CHED) sa nabulgar na pagbebenta ng degree ng isang pamantasan sa lalawigan ng Cagayan na ibinebenta ng mahigit P2 milyon kada estudyante.
Hindi binanggit ni Senador Win Gatchalian ang pangalan ng pamantasan, ngunit hiniling nito sa CHED na kaagad imbestigahan ang impormasyon saka patawan ng kaukulang parusa ang sinumang responsableng opisyal na nagbebenta umano ng diploma sa dayuhan partikular na pawang Chinese national.
“CHEd must impose appropriate penalties or sanctions on HEIs (higher education institutions) and their officials who condone such practices,” ani Gatchalian, chairman of the Senate committee on basic education.
“We should send a clear message to our country and the world: diplomas from Philippine HEIs are not for sale,” giit pa ng senador.
Sinabi ni Gatchalian na kanyang sinusuportahan ang “internationalization” ng HEIs ng Pilipinas ngunit mahigpit nitong tinutulan ang pagbebenta ng diploma sa dayuhan sa bansa.
“Selling diplomas or degrees undermines our efforts to improve the quality of education in the country,” pahayag ng senador.
Ibinulgar ang bentahan ng diploma sa Cagayan ni University of the Philippines Professor Chester Cabalza, base sa impormasyon ng ilang local professors sa lalawigan.
“It seems that Chinese students in Cagayan universities and colleges are said to have been paying P2 million to obtain degrees,” ayon kay Calabaza.
Aniya, karamihan sa estudyante ay hindi dumadalo sa klase.
Ngunit, binanggit ni Senador Chiz Escudeo, chairman ng Senate committee on higher education na dapat maghain ng reklamo si Cabalza upang mapaimbestigahan sa CHED.
“A complaint is necessary, I believe, as this is an ‘academic freedom’ issue that can have a serious push back against government regulators with oversight function over tertiary schools,” ayon kay Escudero.
Sinusugan din ni Senate Minority Aquilino “Koko” Pimentel III ang panawagan ng kasamahan sa isyu kaya kinalampag din nito ang CHED.
“[It’s a matter] for CHEd to check and to be strict about,” ani Pimentel. Ernie Reyes