Sa ikinasang buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Taguig City police ay nadakip ang ang isang lalaking hinihinalang tulak na nakuhanan ng shabu at baril Martes ng madaling araw, Hulyo 16.
Kinilala ng Southern Police District (SPD) ang inarestong suspect na si alyas Joy, 47, isang contractor.
Base sa report ng Taguig City police na isinumite sa SPD, naganap ang pagdakip sa suspect dakong alas 4:45 ng umaga sa Barangay Central Bicutan, Taguig City.
Sa isinagawang operasyon ng SDEU sa pakikipagkoordinasyon sa Substation 7 ay narekober sa posesyon ng suspect ang 31.6 gramo ng hinihinalang na nagkakahalaga ng ₱214,880.
Kabilang din sa nakumpiska sa posesyon ng suspect ay isang kalibre .45 Armscor pistol ana may magazine at kargdo ng limang bala, at ang ₱500 bill na nakapaibabaw sa ₱6,000 boodle money na ginamit sa operasyon.
Ang nakumpiskang shabu ay dinala sa SPD Forensic Unit para sumailalim sa chemical analysis habang ang nakumpiskang baril naman ay isinailalim naman sa ballistic examination.
Kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at paglabag din sa Republic Act 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition) ang suspect na kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Taguig City police. (James I. Catapusan)