Home SPORTS Flopping penalty pinanatili sa NBA, rules sa tiebreak ng NBA Cup, binago

Flopping penalty pinanatili sa NBA, rules sa tiebreak ng NBA Cup, binago

NEW YORK – Nagkasundo ang mga may-ari ng NBA team para permanenteng ipatupad ang in-game flopping penalty na ginamit sa isang taong trial basis noong nakaraang season at binago ang mga hakbang sa tie-breaking ng NBA Cup.

Inirekomenda ang mga parehong hakbang ng NBA competition committee, na binubuo ng mga manlalaro, mga kinatawan ng unyon ng mga manlalaro, mga coach, mga gobernador, mga executive ng koponan at mga referee.

Sa ilalim ng flopping rule, kapag ang isang referee ay pumito ng parusa, ang isang lumalabag na manlalaro ay papatawan ng non-unsportsmanlike technical foul at ang kalabang koponan ay gagawaran ng isang free throw attempt, na maaaring makuha ng sinumang manlalaro sa laro kapag ang tawag ay ginawa.

Hindi ma-eeject ang mga manlalaro sa laro dahil sa flopping violations, hindi tulad ng mga manlalaro na nasipulan para sa dalawang unsportsman-like technical foul.

Tungkol sa NBA Cup, inalis ang overtime scoring sa point differential at total points tie-breakers.

Ginawa ang pagbabago para isulong ang pagiging patas sa kompetisyon at magsisimula kapag ang 2024 NBA Cup ay nagtatapos sa Nobyembre 12.

Ang point differential at kabuuang puntos na nakuha ay ang ikalawa at ikatlong tiebreakers pagkatapos ng head-to-head record sa mga laro ng grupo sa pagpapasya kung aling mga koponan ang uusad sa knockout rounds ng in-season tournament, na nagsimula sa unang season noong nakaraang season.

Magkakaroon ang mga larong mag-overtime sa group play ng zero point differential habang ang mga overtime na puntos ay hindi mabibilang sa kabuuang punto ng isang koponan para sa tie-breaking.