Home METRO P5M illegal vape products nakumpiska sa Pasay

P5M illegal vape products nakumpiska sa Pasay

153
0

MANILA, Philippines – Nakumpiska ng pinagsanib na pwersa ng Southern Police District Special Operations Unit at ng Department of Trade and Industry – Fair Trade Enforcement Bureau (DTI-FTEB) ang mahigit sa 9,000 illegal vape products sa dalawang establisimyento sa Lunsod ng Pasay sa kanilang isinagawang operasyon pasado alas 8:00 gabi ng Martes.

Unang pinasok ng grupo ang isang establisyemento sa J. Silva corner Aurora St. at isinunod ang isa pa sa Bgy. 102 kapwa sakop ng Pasay dahil lumabag ang mga ito sa Republic Act 11900, Section 9, o pagbebenta ng illegal vape products .

Nilabag din ng establisyemento ang Department Administrative Order No. 22-16, Series of 2022, Rule 6, Section 1(j), na mayroon administrative sanction.

Sa naturang operasyon tinatayang umabot sa 9,359 na piraso ng iba’t-ibang flavor at variant ng Flava vape products na kanilang nakumpiska na may estimated value na P5,147,450.00.

Kasama naman sa naturang operasyon ang mga barangay officials ng mga na raid na establisyemento kung saan nasa kustudiya na ngayon ng DTI-FTEB ang mga nakumpiskang illegal vape products. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here