Home NATIONWIDE Kelot, timbog sa motornapping at bato

Kelot, timbog sa motornapping at bato

189
0

PANGASINAN-Swak sa kulungan ang isang 41-anyos na lalaki matapos nitong tangkain kunin ang isang tricycle at makapkapan pa ng hinihinalang shabu sa bayan ng Calasiao ng lalawigang ito kagabi, Disyembre 28.

Ayon sa mga otoridad, ang suspek ay residente ng naturang bayan samantalang ang 45-anyos na lalaking negosyante na may-ari ng tricycle ay residente naman ng Bayambang, Pangasinan.

Ipinarada ng biktima ang kanyang tricycle sa tabi ng kalsada para samahan ang kanyang pamilya sa pagpunta sa Senior Divino Tesoro Shrine.

Habang papunta sa simbahan ang biktima at ang kanyang pamilya, nagpahuli umano sa paglalakad ang biktima para maghanap ng madilim na area para umihi nang mapansin niya ang suspek na papunta sa kanyang tricycle.

Tahimik niyang inobserbahan ang suspek hanggang sa makita niya na ang kanyang tricycle ay itinutulak na ng suspek.

Dahil dito, agad na nilapitan ng biktima ang suspek at kinumpronta.

Tinangka naman ng suspek na tumakas ngunit napigilan siya ng biktima hanggang sa mapansin sila ng mga personnel ng Calasiao MPS na agad naman rumesponde.

Ang biktima at ang suspek ay dinala sa police station.

Nang kapkapan ang suspek, isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng 0.15 gramo ng hinihinalang shabu ang narekober ng mga PNP personnel.

Tinatayang nagkakahalaga ng P1,020.00 ang hinihinalang shabu na narekober mula sa suspek. ROLANDO S. GAMOSO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here