Home IN PHOTOS Kelot timbog sa P6.8M droga sa Valenzuela

Kelot timbog sa P6.8M droga sa Valenzuela

106
0

MANILA, Philippines – Nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency National Capital Region ang P6.8 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa isang suspek sa Brgy. Parada, Valenzuela City nitong Hulyo 16.

Nakulimbat ng PDEA ang nasa 1,000 gramo ng hinihinalang shabu sa 44-anyos na suspek na kinilalang si Nashrea Ibay y Mangakop alyas Nash, walang trabaho.

Nasamsam din sa nasabing suspek ang isang SM appliance paper bag na naglalaman ng J&T express plastic bag na naglalaman ng isang brown paper bag na naglalaman ng sampung knot tied plastic bag MOL 1000g lahat ay naglalaman ng puting crystalline substance na pinaghihinalaang shabu, maging ang boodle money na ginamit ng awtoridad.

Mahaharap sa kasong may kinalaman sa iligal na droga. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here