Home METRO Kelot tinarakan sa leeg sa pagtangging makipagtalik sa bebot

Kelot tinarakan sa leeg sa pagtangging makipagtalik sa bebot

MANILA, Philippines – NAGTAMO ng sugat ang isang lalaki matapos saksakin ng hindi pa nakikilalang bebot makaraan na tumanggi ang biktima sa alok ng suspek na makipagtalik sa kanya sa Malabon City.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktima na si Wilson Arenas, 50, residente ng M. Blas Brgy. Hulong Duhat na nagtamo ng saksak sa leeg.

Base sa imbestigasyon nina PSSg Michael Oben at PSSg Bengie Nalogoc, lasing ang biktima at habang naglalakad ito sa kahabaan ng M. Naval St., Barangay Flores pauwi nang lapitan ng isang hindi kilalang babae at inalok umano ng sex dakong ala-1:50 ng madaling araw.

Sa puntong iyon, tumanggi ang biktima subalit bigla na lamang dumating ang isang hindi kilalang lalaki at walang sabi-sabing sinaksak sa leeg si Arenas bago mabilis na tumakas sa hindi matukoy na direksyon sakay ng isang bisikleta.

Agad na isinugod ang biktima ng isang concerned citizen sa ospital kung saan ay nasa ligtas na itong kalagayan.

Inaalam na ng mga pulis kung ano ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek. R.A Marquez

Previous articleSotto, Ramos talo sa pagbabalik sa Japan B.League
Next articleBatang ‘Swifties’ kailangan ng DSWD clearance bago umalis ng bansa – BI