Home NATIONWIDE Kelot utas sa konkretong bakod

Kelot utas sa konkretong bakod

2
0

LA UNION- Patay ang isang 47-anyos na lalaki matapos bumangga ang mimaneho nitong motorsiklo sa concrete fence sa provincial road sa Brgy. Santa Rita Central, Agoo ng lalawigang ito nitong hapon ng Sabado, Agosto 1.

Ayon sa Agoo MPS, ang biktima ay isang fishpond caretaker, may asawa, residente ng Aringay, La Union.

Sa inisyal na imbestigasyon, minamaneho ng biktima ang kulay pulang Icon 110 motorcycle at bumibiyahe patungong Silangan.

Pagdating sa pinangyarihan ng insidente, lumampas umano ang motorsiklo sa kabilang linya at bumangga sa isang konkretong bakod.

Dahil sa matinding pinsala sa ulo, agad na binawian ng buhay ang biktima. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here