Home METRO Kelot, utas sa pamamaril sa OrMin

Kelot, utas sa pamamaril sa OrMin

1
0

ORIENTAL MINDORO, Philippines — Binaril nang ilang beses ang isang 46-anyos na lalaki ng hindi pa nakikilalang suspek madaling-araw nitong Lunes sa Barangay Sta. Rita, Pinamalayan, Oriental Mindoro.

Ayon sa Pinamalayan Municipal Police Station, nangyari ang pamamaril alas-5:15 ng umaga sa isang parking area sa tabi ng isang Christian church.

Kakaparada pa lamang umano ng biktima, na residente rin ng Barangay Sta. Rita, nang siya ay pagbabarilin.

Natanggap ng pulisya ang ulat tungkol sa insidente mula sa isang barangay official bandang alas-5:20 ng umaga.

Hindi pa natutukoy ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng suspek at ang posibleng motibo sa pamamaril.

Sinabi ni Acting Pinamalayan police chief PLtCol Christian P. Bermudez na ginagawa ng pulisya ang lahat ng paraan upang matukoy at mahuli ang suspek. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here