Home METRO Kelot utas sa suwag ng bus

Kelot utas sa suwag ng bus

200
0

PANGASINAN-Hindi na nagawang makaligtas sa kalawit ni kamatayan ang isang 29-anyos na lalaki matapos na bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa nakasalubong na bus sa Brgy. Angayan Norte, Balungao ng lalawigang ito kagabi, Oktubre 6.

Dead-on-arrival sa ospital ang driver ng kulay pulang SKYGO motorcycle, residente ng naturang lugar.

Boluntaryong sumuko sa Balungao Municipal Police Station ang 30-anyos na driver ng kulay pink na public utility bus (Florida) na tubong-Brgy. Nungnungan, Cauayan, Isabela ngunit naninirahan sa Brgy. San Isidro, Angono, Rizal.

Sa imbestigasyon, ang motorsiklo ay bumibiyahe paputang silangan direksyon sa national road sa naturang lugar samantalang ang bus naman ay nasa kabilang direksyon.

Pagdating sa pinangyarihan ng insidente, nasakop ng motorsiklo ang linya ng bus na nagresulta sa banggaan ng dalawang nabanggit na sasakyan.

Nagtamo ng fatal injuries ang driver ng motorsiklo na ikinasawi nito. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here