Manila, Philippines – In mourning ngayon si Kelvin Miranda following the death of his father.
Nauna muna niyang ipinost ang color black on his Facebook account.
This was followed by an emotionally worded message.
Ani Kelvin: “Wala pa akong napapatunayan sa ‘yo mula noong sinuway ko ang gusto mo na
magtapos ako ng pag-aaral para sa pag-aartista ko.
“Marami akong laban na itinago sa ‘yo para isipin na kaya ko at malakas ako na kaya ko ang sarili ko.
“Itong litrato na ito, ito lang ang kaisa-isang achievement ko na nasaksihan mo. Alam kong masaya ka para sa akin. Isang taon ang nakalipas, pinili kong tahakin ang showbiz kahit na mahirap ito para sa akin, dahil alam kong labag ito sa loob mo.
“Pero nagsumikap ako para makita mo, na patunayan ko sa ‘yo na kaya ko ang sarili ko.
“Hindi para kontrahin ka kundi para maging masaya ka sa bagay na alam kong makakapagbigay ako ng kulay sa buhay natin.”
Dagdag post pa ng Kapuso actor, natuto raw siya sa kanilang pagtatalo ng ama.
More than ever, Kelvin now realizes na ganito raw pala kasakit na wala na ang kanyang ama.
Hind raw kasi siya handa sa pagpanaw nito.
“Mahal na mahal kita at hindi kita makakalimutan,” pangwakas ni Kelvin. Ronnie Carrasco III