Home ENTERTAINMENT Kelvin, handa nang rumampa nang naka-undies!

Kelvin, handa nang rumampa nang naka-undies!

Manila, Philippines- Pressured si Kelvin Miranda sa highly anticipated na pagrampa nang naka-briefs for a leading local brand.

Hindi raw kasi basta-basta ang event na ‘yon.

Mabusisi raw kasi ito at maraming preparasyon.

Nangako naman ang Kapuso actor na hindi niya bibiguin ang mga manonood at nag-aabang sa kanya.

Tuluyan na nga siyang magpapaka-daring sa pagrampa nang naka-briefs, handa na ba siya?

Ani Kelvin, it’s the management which decides if he’s already ripe for it.

“Ang management naman ang nakakaalam kung papunta na ako sa direksyon na ‘yon!” saad niya.

Gaano siya ka-excited?

“Marami ang gustong mapasama sa listahan. Kung excited ako, siyempre, yes! Reding-ready na rin ako!” say niya.

Kunsabagay, seeing Kelvin with more skin to show is a feast on the eyes.

As they say, kanin na lang ang kulang! Ronnie Carrasco III