Home METRO Kennon Road isinara matapos ang pagguho sa Tuba, Benguet

Kennon Road isinara matapos ang pagguho sa Tuba, Benguet

266
0

BENGUET, Philippines – Pansamantalang isinara ang Kenon Road, Linggo, Hulyo 6 ng gabi, matapos na gumuho ang ilang mga bato malapit sa rock shed sa bahagi ng Camp 6, Tuba, Benguet.

Ayon sa ulat ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), nagkaroon ng rockfall sa may tunnel mills site, dahilan upang hindi na madaanan ang parehong direksyon ng kalsada.

Sa agarang pag responde ng CDRRMO, ay nabuksan ang isang lane dito dakong 8 ng gabi. Tiniyak din nila ang kaligtasan ng lugar at ang lawak ng naging pinsala nito.

Patuloy ang clearing operations. Wala namang naiulat na nasaktan sa pag guho. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here