Home NATIONWIDE Khan Academy pinili ng DepEd sa pagpapabuti ng score ng mga estudyante

Khan Academy pinili ng DepEd sa pagpapabuti ng score ng mga estudyante

200
0

MANILA, Philippines – Pumirma ng kasunduan ang Department of Education (DepEd) sa kilalang online education nonprofit sa pagbibigay ng digital learning materials sa nasa 1,000 pampublikong paaralan sa bansa.

Pumirma ng kasunduan si Education Secretary Sonny Angara sa Khan Academy, isang US-based nonprofit ng educator na si Salman Khan, sa pagpapabuti ng competency ng mga estudyanteng Filipino.

Ani Angara, umaasa siyang ang mga materyales mula sa Khan Academy ay makatutulong sa mga public school students na mapabuti ang kanilang mga score sa 2025 Programme for International Student Assessment (Pisa) examinations.

“Definitely, this will help in our Pisa [scores],” sinabi ni Angara kasabay ng pagpirma nila ng kasunduan kay US lawyer Geraldine Acuña-Sunshine, pangulo ng Khan Academy Philippines.

Dahil kabilang sa kasunduan ay ang pagpapabuti sa competency ng mga estudyante, sinabi ni Angara na posibleng hindi pa agad-agad makita ng resulta nito sa 2025 Pisa tests, bagama’t umaasa silang ito ay magbubunga na pagsapit ng 2029.

Napag-alaman na maraming mga estudyanteng Pinoy ang nakakagamit na ng learning modules ng Khan Academy na ipinapakita sa YouTube channel nito at iba pang digital app.

Sa ngayon ay mayroon nang 8.17 million subscribers ang YouTube Channel ng Khan Academy.

Ang mga digital learning materials mula sa Khan Academy ay tututok sa math, science at reading, ang tatlong subject kung saan nangulelat ang mga estudyanteng Pinoy sa international assessments.

“This can help those teachers teach better, [and] allow a different way for students to take in the subjects and understand it in a different way,” ayon kay Acuña-Sunshine.

“So this also introduces another way to learn math, science, reading and to practice it,” dagdag pa niya.

Sa ilalim ng kasunduan, ang mga paaralan ay dapat na mayroong “high-speed internet connection, adequate number of devices and enthusiastic school administrators and teachers.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here