Home NATIONWIDE DOTR nanindigan sa PUV modernization

DOTR nanindigan sa PUV modernization

100
0

MANILA, Philippines – Nanindigan si Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista kaugnay sa PUV modernization at nagbabala sa mga senador sa negatibong epekto kung pahihintuin ang naturang programa.

Sa pahayag nitong Sabado, Agosto 3, sinabi ng DOTR na nagpadala si Transport Secretary Jaime Bautista ng 101-pahinang liham, kabilang ang mga attachments, na may petsang Hulyo 29 bago pirmahan ng 22 senador ang Senate Resolution No. 1096.

Sa liham, iginiit ni Bautista na ang overall impact ng PTMP mula nang mabuo ito noong 1992 ay “overwhelmingly positive.”

Aniya, “continuing the PTMP aligns with our common goal of benefiting the community and advancing public welfare.”

Sa pagsuspinde rin umano sa PTMP sa kasalukuyang tage ng implementasyon nito ay maaaring magdulot ng pagkaantala sa mga serbisyo kung saan marami ang nakikinabang dito.

Mayroon na rin umanong “significant” resources ang nai-invest sa pagdevelop at pagpapatupad ng PTMP o programang kilala sa tawag na Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program.

Ani Bautista, naglaan ang pamahalaan ng P1.6 bilyon para sa programa ngayong taon.

Ang utilization rate ng programa ay nasa 53 percent ng kabuuang P7.5 billion budget mula 2018 hanggang 2024.

“Suspending the program now risks wasting these investments and incurring additional costs to reestablish similar initiatives in the future,” ayon sa kalihim.

Sinabi rin nina Transport Undersecretary Jesus Ferdinand Ortega at LTFRB Chair Teofilo Guadiz III nitong Huwebes, na karamihan sa public transport sector ay pumirma na sa ilalim ng programang ito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here