Home HOME BANNER STORY Khan sa pagpapaalis ng Duterte camp sa kanya sa ICC case: Walang...

Khan sa pagpapaalis ng Duterte camp sa kanya sa ICC case: Walang batayan

273
0

MANILA, Philippines – Walang batayan

Ito ang komento ni International Criminal Court (ICC) Prosecutor Karim Khan sa hiling ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na alisin siya sa kaso.

Sa inihaing dokumento noong Agosto 18 sa Pre-Trial Chamber, sinabi ni Khan na wala siyang nakikitang conflict of interest na mag-uutos sa kanya na umatras sa kaso ng Pilipinas. Ito’y tugon sa depensa ni Duterte na nagsabing may “malubhang conflict of interest” dahil dati umano niyang kinatawan ang mahigit 100 biktima ng extrajudicial killings noong 2018 bago siya naging ICC prosecutor.

“The Prosecutor files this Notification in order to advise PTC I (Pre-Trial Chamber 1) that the Prosecutor has carefully considered whether the circumstances summarised above give rise to any grounds for disqualification and that he does not consider that any grounds for disqualification currently exist,” ani Khan.

Nilinaw ni Khan na limitado lamang ang kanyang naging papel—pro bono na pagsusuri at presentasyon ng mosyon kay dating Prosecutor Fatou Bensouda—at agad din siyang umurong sa usapin. Aniya, hindi ito nakakaapekto sa kanyang pagiging patas.

Nanawagan ang depensa na agad aksyunan ito bago ang nakatakdang confirmation of charges hearing sa Setyembre 23, 2025. Naaresto si Duterte nitong Marso sa Pilipinas base sa ICC warrant at kasalukuyang nakakulong sa The Hague dahil sa kasong crimes against humanity kaugnay ng libu-libong nasawi sa kanyang war on drugs. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here