Home ENTERTAINMENT Kiko, ‘pambasag’ kina Coco at Ruru!

Kiko, ‘pambasag’ kina Coco at Ruru!

Manila, Philippines- Kung si Coco Martin ang tagawagayway ng watawat ng ABS-CBN at si Ruru Madrid naman sa GMA, puwes, may katapat na sila!

Ito’y walang iba kundi si Kiko Estrada lang naman ng TV5.

Lalong iigting ang sagupaan ng mga bida sa Batang Quiapo na si Tanggol at Lolong as Totoy Bato played by Kiko enters the fray.

Ito ang followup project ni Kiko after Carlo J. Caparas’ Limuhod Ka sa Lupa.

An FPJ classic, nasa original cast ng film version nito ang mismong lolo ni Kiko na si Paquito Diaz.

Noong mallit pa nga raw si Kiko at buhay pa ang kanyang Lola Josefa ay kasama niya itong nanonood.

Hence, may ideya na si Kiko even before his next TV assignment was pitched to him.

Kaya naman “warning” ng kanyang mga fans, huwag magpakakampante sina Coco at Ruru…here comes Kiko! Ronnie Carrasco III