manila, pHILIPPINES – Dumalo ang ilang sikat na personalidad sa mga kilos-protesta laban sa korapsyon nitong Linggo sa Luneta Park at EDSA People Power Monument.
Kabilang sa mga nakiisa sina Vice Ganda, Anne Curtis, Jasmine Curtis-Smith, Donny Pangilinan, Darren Espanto, Jackie Gonzaga, Ion Perez, Elijah Canlas, Angel Aquino, Tessie Tomas, Jodi Sta. Maria, Andrea Brillantes, Maris Racal, Marjorie at Leon Barretto.
Isinasagawa ang dalawang pangunahing kilos-protesta: Baha sa Luneta: Aksyon na Laban sa Korapsyon at ang Trillion Peso March sa EDSA. RNT