Home NATIONWIDE Mamamahayag duguan sa kaguluhan sa Ayala bridge

Mamamahayag duguan sa kaguluhan sa Ayala bridge

295
0

MANILA, Philippines – Isang kagawad ng media ang sugatan nang tamaan ng bato sa mukha sa kasagsagan ng habulan at batuhan ng mga kabataang raliyista sa Ayala Avenue at Romualdez St., sa Maynila ngayong hapon.

Habang abala sa pagbibigay ng ulat sa nagaganap na malawakang rally laban sa korapsyon sa gobyerno, bigla itong tinamaan ng bato sa pagitan ng ilong at bibig.

Ginagamot na ngayon sa Manila Doctors ang nasabing mamamahayag ng DZBB na sasailalim pa sa CT scan bago ito operahan.

Kabilang sa mga raliyista sa kaguluhan sa Ayala Bridge ay mga kabataang may edad 15 pababa.

Walang pinatawad dahil maging ang mga halaman sa tabi ng mga establisimyento ay pinagdadampot para lamang may maibato sa mga barikada ng pulis.

Sumiklab ang tensyon sa lugar dahil sa kagustuhan ng mga raliyista na mapasok ang Ayala Bridge na pinakamalapit o madaling lusutan patungong Mendiola at MalacaƱang compound.

Medyo nahirapan ang mga pulis sa mga raliyista dahil sa walang humpay na paghahagis ng bote, bato, at pamalo ng bakal sa kanilang pananggalang na shield hanggang sa napaatras sila sa tulay.

Humupa lamang ang tensyon nang bumuhos ang malakas na ulan at ilan sa mga kabataan ay dinampot na rin ng mga awtoridad. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here