Home NATIONWIDE Killer ng ABC prexy iniharap sa publiko

Killer ng ABC prexy iniharap sa publiko

322
0

Bulacan – Iprinisinta ng pamahalaang panlalawigan at pulisya sa mga mamamahayag ang isa sa suspek sa pananambang at pagpatay kay Bulacan ABC president Ramil Capistrano at sa kanyang driver noong hapon ng Oktubre 3, 2024.

Ginawa ang pulong-ballitaan nina Governor Daniel Fernando, Vice Governor Alex Castro at Bulacan Police director PCOL Angel Garcillano nitong umaga ng Biyernes, Oktubre 24 sa Balagtas Hall, Hiyas ng Bulacan Convention Center, Malolos City.

Dumalo rin sa pulong ang ilang kaanak ni Capistrano at kanyang driver na si Shedrick Toribio na mismong nasilayan ang suspek na si Christian Roxas alyas “Lupin”, 35, residente ng Brgy. Tangos, Navotas.

Mariing sinabi ni Fernando na umasa ang mga kaanak na hindi siya titigil para makamit ang katahimikan ng mga kaluluwa ng mga biktima.

Naging maikli lamang ang naturang pagpupulong upang hindi mabalam ang patuloy na isinasagawang pagtugis ng mga alagad ng batas sa mga iba pang suspek.

Nabatid na naaresto ang suspek sa kanyang bahay ng Provincial Intelligence Unit-Bulacan sa pangunguna ni PLTCOL Russel Dennis Reburiano katuwang ang 1st Provincial Mobile Force Company at Navotas City Police station sa bisa ng warrant of arrest sa kasong two counts of murder na inisyu ni Hon. Felizardo Soriano Montero, Presiding Judge, Regional Trial Court Branch 11, Malolos City na walang inirekomendang piyansa. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here