Home METRO Killer ng nakipiyestang mister na kapitbahay, arestado

Killer ng nakipiyestang mister na kapitbahay, arestado

SAN MARIANO, Isabela -Bumagsak sa kamay ng mga kapulisan ang suspek sa pamamaril sa isang mister na kapitbahay nito na nakipiyesta sa Brgy. Dibuluan, San Mariano, Isabela.

Sa ipinarating na ulat ni PMaj. Francis Pattad, hepe ng San Mariano Police Station kay PCol. Lee Allen B. Bauding, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO, ang suspek ay kinilalang si Domingo Baraquio, kapitbahay ng biktima at residente ng Brgy. Minanga, San Mariano, Isabela.

Matatandaang nasawi si Reynaldo Alfante na residente ng Barangay Minanga, San Mariano, Isabela matapos siyang tambangan at barilin habang lulan ng kanyang tricycle.

Inamin ng suspek sa kanyang ginawang krimen at nakuha sa kanyang pag-iingat ang kalibre kwarenta’y singkong baril na ginamit nito sa pagbaril-patay sa biktima.

Aniya binubugbog umano ng nasawing biktima ang suspek kasama ang iba pa sa tuwing nalalasing ang mga ito.

Samantala, ayon naman kay Juvy Alfante anak ng nasawi, walang katotohanan ang paratang ng suspek na binubugbog siya ng kanyang ama.

Aniya posibleng may sama umano ng loob ang suspek sa kanyang ama dahil sa isang pangyayari noon at dinamdam ito ng suspek kaya nito isinagawa ang pamamaril hanggang sa makapaghiganti. Rey Velasco