Home NATIONWIDE Killer ng retiradong sundalo sumuko sa Kidapawan City police

Killer ng retiradong sundalo sumuko sa Kidapawan City police

270
0

MANILA, Philippines – Sumuko sa pulisya ang dating security guard na umano’y pumatay sa isang retiradong sundalo na napag-alamang kinakapatid pala nito, sa Kidapawan City nitong Linggo, Nobyembre 9.

Si Ramil Morales, 57, ay target ng manhunt operation nitong weekend sa pagpatay sa isang retiradong sundalo na kinilalang si Edmund Bautista, 55.

Kusang sumuko sa pulisya si Morales para harapin ang reklamo laban sa kanya, ayon kay Lt. Colonel Josemarie Simangan, Kidapawan City police director.

Ani Simangan, sina Morales at Bautista, na kapwa residente ng Barangay Poblacion sa Kidapawan City, na nagkaroon ng mainitang pagtatalo nitong Linggo kung saan bigla na lamang bumunot ng pistola si Morales saka pinaputukan si Bautista.

Dinala pa sa ospital si Bautista ngunit idineklarang patay.

Agad na tumakas si Morales matapos ang pamamaril dahilan para tugisin ito ng pulisya at ng Barangay Police Action Team. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here